Address
Metro Manila, Philippines
Sa vlog ni Alex Gonzaga kong saan inimbitahan niya si Julia Barretto para sa gagawing 1k Ukay-ukay Challenge sa edsa. As usual puro katatawanan at biroan na naman ang hatid ni Alex. Sa katunayan nasa 12.6m subscribers na nga ang youtube channel nito.
Screencap Alex Gonzaga Vlog
Nung una ay hinintay pa ni Alex si Julia sa ilalalim ng fly over sa kahabaan ng edsa. At nang dumating na ang girlfriend ni Gerald Anderson ay nag-umpisa na nga sila sa challenge. Ang seste ay si Julia ang magsha-shoping para kay Alex sa halagang 1k at ganun din naman si Alex para kay Julia.
Screencap Alex Gonzaga Vlog
Hanggang umabot na nga sila sa counter at isa-isa nilang pinaliwanag kong para saan ang mga napili nila. Una ay si Julia muna para kay Alex at sa husband nito. Nang si Alex na ang nag-describe ng mga napiling outfit para kay Julia at Gerald ay may napiling damit si Alex at sinabi niya na naalala niya ang shampoo commercial days at nabanggit ni Alex ang pangalang “Bea” kong saan ay pansin na na-off guard si Julia. Ngunit biglang bawi naman si Alex sa pagbanggit niya sa pangalan ng Kapuso actress na si Bea Binene. Natawa at natahimik na lang si Julia.
Screencap Alex Gonzaga Vlog
Nag-viral ang kontrobersyal na hiwalayan ni Bea Alonzo at Gerald Anderson noon nang biglang umeksena si Julia sa buhay ni Gerald. Nag-umpisa ang isyu habang ginagawa nila Gerald at Julia ang kanilang pelikula. Gayunpaman, natapos ang nakakatawang kalokohan ni Alex sa kanyang vlog.