Andrea Brillantes headliners ngayong 2022

Share your this to your friends!

Kong paandaran lang ang pag-uusapan. Wala na yatang tatalo ngayon sa kapamilya young actress na si Andrea Brillantes. Kagulat-gulat nga ang mga aksyon ngayon ng batang aktres na ito. Simula nang pumutok ang isyu sa pagitan nina Seth Fedelin, Francine Diaz at Andrea ay tila kakaiba o masasabing unti-unting lumalabas ang tunay na pag-uugali ni Andrea. 

philnews.ph

Umpisahan natin sa litrato ni Seth noong bagong taon na kasama ang pamilya ni Francine. Dinaan ni Andrea ang mga reaksyon niya sa tiktok na patama kay Francine, lumaki ang gulo hanggang hindi na nakapagpigil ang mommy ni Francine at nakapag-post pa nga ito sa social media. Sinasabi ni Andrea na pinoprotektahan lang daw niya ang kanilang love team ngunit ang ending ay naging sila pala ni Seth dati. 

dailybncnews

Sumunod ang pag-bash ni Andrea sa mga BBM supporters at hinahanap niya kong nasaan ba daw ang mga utak ninyo. Umani naman ng sandamakmak na negatibong komento ang post ng young actress. Samantala bago pa ang pambabash niya ng ganito ay nagkasagutan muna sila ng presidential daughter na si Kitty Duterte ilang linggo bago mag eleksyon. 

balita.net.ph

Hindi rin pahuhuli ang paandar niya sa basketball court kong saan nag propose ang boyfriend niya ngayon na si Ricci Rivero. Subalit may mga nakakakita na daw sa kanila ni Ricci bago pa man ang proposal. Nagtaasan ang mga kilay ng netizens dahil parang gawa-gawa at kunyari ay hindi pa magka-relasyon ang dalawa bago ang proposal. 

cebudailynews.inquirer.net

Sa Siargao kamakailan ay muling nag-viral si Andrea dahil sa pag baby talk niya habang bumibili sa isang tindahan. Pinagtawanan ito ng netizens at may mga memes pa. Pati ang pa-iyak mode niya sa beach slide na akala mo ihuhulog na sa kumukulong tubig yun pala ay nasa mismong slide lang din ang bagsak. 

pinoydaily.net

At ngayon ang pagiging pabebe naman niya sa grocery habang nakasakay mismo si Andrea sa loob ng grocery trolley na umani na naman ng bashes sa social media. May isang video rin sila ni Ricci kong saan sinasabing mahilig daw uminon ng alak ang batang aktres habang nilulublob siya sa tubig ng swimming pool. 

pinterest.ph

Kamakailan din ay kumalat ang litrato ni Andrea kasama ang dalawang young actor na sina Darren Espanto at Kyle Echarri kong saan nakahiga habang nakahubad pantaas ang mga lalaki. Sinasabi na katatapos lang daw nila noon sa isang taping. 

bandera.inquirer.net

Sa lahat ng mga isyu, bashers at kontrobersya ni Andrea ay masasabing balewala na lamang ang lahat ng ito dahil nalagpasan na ni Andrea ang isang pangyayari sa buhay niya kong saan masasabing ito ang pinakamalaking isyu sa buhay niya. Walang iba kundi ang kumalat na maselang video ni Andrea ilang taon na ang nakalipas. 

Share your this to your friends!

One comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *