Ayuda mula sa netizens para sa naghihirap na bata

Share your this to your friends!

Hindi maikakaila na marami pa rin pilipino ang nakakaranas ng salat sa buhay. Sa syudad man o sa probinsya. Isang nakakalungkot na kwento subalit inspirasyon na rin na maituturing lalo na sa mga kabataan. 

Almera Maquintura Bagares, isang guro na nagbahagi ng larawan ng isang bata sa social media. Nakilala ang bata na si Cristine T. Nonan na taga Busol, Tigbao, Zamboanga del Sur. Kinuhaan ng larawan ang bata habang ito ay kumakain. Tanging kamote, tuyo at iilang pritong isda ang baon ng mag-aaral. 

Photo Credit Almera Maquintura Bagares

Napag-alaman na ang kaniyang mga magulang ay magsasaka at may mga pananim na kamote. Iyon na rin marahil ang binaon mismo ng bata sa pagpasok ng paaralan. Hirap man sa buhay, patuloy pa rin na lumalaban ang bata sa pag-asang aangat rin ang kanilang buhay. 

Nakuha ang atensyon ng netizens sa kwento ni Cristine. Bumuhos ang positibong komento at pagbibigay pag-asa at tiwala sa sarili. 

Photo Credit Almera Maquintura Bagares

Kahit papaano ay may mga tumugon at nagbigay ng tulong sa pamilya ni Cristine. Iilang grocery items at bigas. Kasama na rin ang mga pera na pinadala para kay Cristine. Kahit sa kaunting tulong ay maibsan man lang ang ilang araw na makakain ng ibang putahi ang pamilya. At maisip ng bata na may mga tao na handang tumulong at mabigyan pa siya ng inspirasyon upang mas lalong magsikap at harapin ang mundo ng kahirapan. 

Photo Credit Almera Maquintura Bagares

Kung ang  ibang kabataan ay nakakaranas ng karangyaan at ginhawa sa buhay. Ay sila pa ang walang sikap sa pag-aaral. Si Cristine ay patunay na repleksyon sa buhay na tinatamasa ng ilan sa atin. At kung anong meron tayo ay sana matuto tayong pahalagahan ito. 

Author

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *