Address
Metro Manila, Philippines
Matapos manalo ng BLACKLIST International sa SEA Games sa larong Mobile Legends na ngayon ay itinuturing nang Sport, si JonMar Villaluna a.k.a Ohmyv33nus bilang kanyang IGN (In Game Name) ay inumpisahan nang buuin ang kanyang dream house.
Natalo ng team Philippines ang powerhouse team ng Indonesia sa larong Mobile Legends ng SEA Games na ginanap sa Vietnam. Sa “Best of 5” na laro sa Finals noong Mayo 20, 2022 ay nagharap ang inaasahan ng nakararami, ang koponan ng Pilipinas at Indonesia. Nanalo sa unang laro ang Pilipinas. Sa pangalawang laro naman ay naka-puntos ang Indonesia. At muling nagpamalas ng galing ang team ng Pilipinas sa 3rd at 4th game na nagresulta ng kanilang score na 3-1. Sa score na 1-1 ay nakatanggap pa ng trashtalk ang team PHI galing sa team INA dahil natalo sila nito sa 2nd game na nakapagbigay ng dagdag confidence sa koponan ng Indonesia. Natagalan ang paga-awarding dahil nagdispute pa ang team ng Indonesia na kesyo ay dinaya daw sila sa pamamagitan ng maraming pag-pause ng laro. Mariin namang itinanggi ng Blacklist ang paratang dahil naka-off naman ang mga mic ng players kapag naka-pause ang laro. Hindi lang naman ang kanilang team nagpo-pause kundi ang team ng Indonesia din. Sa game 3 ay nag-epic comeback pa sila.
Netong Mayo 30, 2022 ay naglabas ng update sa Youtube ang ML Queen na si Ohmyv33nus patungkol sa kanyang “Ohmylupain” na pagtatayuan ng kaniyang tahanan. Plano ng Queen Vee na mag-coin dropping sa kanyang lupa. Sa araw ding yon ay natanggap na ni Vee ang kanyang titulo. Mines Arc ang gumagawa ng kaniyang bahay pati narin ng iba pang team members ng Blacklist. Bandang Oktubre taong kasalukuyan ay matatapos na daw ang paggawa ng bahay ni Vee.
Kasama si Wise na isa ring Blacklist member ay nag-coin dropping na nga ng ML Queen. Ang kaniyang naibuhos na barya ay nagkakahalagang 50,000 pesos. Nasa 500 to 1,000 pesos lamang ang madalas na hinuhulog na barya ng mga nagko-coin dropping at si Ohmyv33nus palang ang nasa ganoong kalaking halaga ang naghuhulog sa lupa.
Ang coin dropping ay tradisyon galing sa mga Chinese na ang paniniwala ay para mapatibay ang pundasyon ng ipinapatayo. May isa pang tradisyon na pwedeng dugo ng hayop ang ibuhos sa lupa sa parehong layunin.