Address
Metro Manila, Philippines
Maugong pa rin ngayon sa lahat ng sulok ng showbiz ang hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ang pitong taong pag-iibigan ay nauwi sa kasalan. Naging emosyonal pa ang mga tagpo lalo na noong sinuot ni Carla ang sumbrero ng daddy ni Tom at napahagulgol na lamang ang aktor sa iyak.
Ngunit sino ang mag-aakala na natapos lang pala sa loob lang ng tatlong buwan ang pagsasama ng dalawang kapuso star. Hanggang sa ngayon ay wala pang klarong bersyon ang hiwalayan nila dahil hindi naman sila nagsasalita. Subalit may mga paandar ang dalawa gaya na lang sa mga nakaraang cryptic post ni Tom sa kanyang social media account. At si Carla naman ay may gag order kay Tom na pinagbabawal magsalita dahil on-going pa ang kanilang annulment.
Kaya naman samu’t saring isyu ngayon ang naglabasan patungkol sa dalawa. May pahapyaw naman si Tom na nagsasabing kalahati pa lang daw ng estorya ang natunghayan ng madla at kong lalabas daw ang buong kwento ay ikagugulat daw ito ng marami. Sa kay Carla naman ay sinabi daw nito noon kay Tom na huwag na huwag niyang gagayahin ang ama niya na si Rey Abellana na may ibang pamilya.
Noong nagsasama pa ang dalawa ay umabot daw sa punto na inilagay ni Carla ang mga gamit ni Tom sa black bag (lagayan ng basura) at inilatag sa labas ng bahay. Ngayon ay nasa amerika si Tom at naghahanap daw ng raket dahil wala siyang mapagkikitaan sa panahon na ito.
May mga isyu din na diumano na may karelasyon na lalaki si Tom. May nagsasabi din na babae ang ibang karelasyon niya. Kung anuman ang katotohanan sa hiwalayan ng dalawa ay sila lang ang nakakaalam. Subalit pinagpipyestahan pa rin ng mga tao ang kontrobersyal na hiwalayan nila. Hinihintay na lamang ang opisyal na pahayag nila Tom at Carla.