Heart Evangelista, agaw-eksena sa 75th Cannes International Film Festival

Share your this to your friends!

“It’s just so much fun, so much art, so many nice stores, and the people are just alive and kicking. I am just having such an amazing time. This was indeed such an experience and there’s just so much more that’s going to be happening. So I’m glad I could take you guys with me,” – Heart Evangelista

Sa isang prestihiyosong event ay hindi maitago ng first timer na si Heart Evangelista ang saya at galak sa pagdalo niya sa 75th Cannes Film Festival na ginanap sa France. Kung saan unang nagpasiklab si Heart sa isang red carpet event ng Cannes Film Festival suot ang red ball gown na gawa ng Lebanese-Italian fashion designer na si Tony Ward with jewelry by Matara Studio. 

wheninmanila.com

Sumunod naman ay ang May 17 to May 28 screening ng pelikulang Un petit Frere (Mother and Son) isa sa mga entry ng Cannes Film Festival na dinaluhan ni Heart suot naman ang powder blue gown with a giant billow skirt. Dahil nga sa bonggang ootd ni Heart ay napansin siya ng iba pang celebrities at mga press kaya naman ay napasama siya sa mga magazines gaya ng Vogue Brazil, Elle France, W Magazine at Harper’s Bazaar. 

news.abs-cbn.com

At ang huling dinaluhan ni Heart ay ang gala event ng AmFAR isang non-profit organization na naglalayon tumulong sa AIDS research. Suot naman niya ang fringe dress with matching pink purse. 

mb.com.ph

Dagdag din ang editorial shoot niya sa isang beach resort sa lugar. Agad nag-viral ang mga eksenang ganap ng actress sa ibang bansa. Tila agaw eksena talaga itong si Heart. Gayunpaman, ay tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa mga paandar ni Heart kung saan sinasabi na bagay na bagay si Heart sa imaheng pinapakita niya sa madla. 

preview.ph

Ang Kapuso actress ay kilala rin bilang fashion icon ng bansa. At mabuting may-bahay ni Senator Chiz Escudero. Siya ngayon ang pinaka-hot pagdating sa fashion statement sa bansa. 

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *