Ina ni AJ RAVAL naghahamon sa netizens

Share your this to your friends!

“Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba.”

“Linisin ko muna ang fb ko, mukhang bibisitahin na naman ng mga marites, palit dp kelangan maganda ako. Tapos iinglishin ko na mga post ko. Wait nga. Open ko muna messenger ko para maaway nyo ko kase baka di na naman makatulog mga taong to”. – Alyssa Alvarez

Mainit pa rin na pinag-uusapan ang pagbubuntis diumano ni AJ Raval at si Aljur Abrenica daw ang ama. Sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur ay sinasabing si AJ Raval ang dahilan ngunit pinabulaanan naman ito ng dalawa kahit may ilang larawan na magkasama ang dalawa sa iba’t-ibang lugar. Hindi pa tapos ang isyu sa relasyong AJ at Aljur ay heto na naman ang panibagong isyu ni AJ. 

Manila Bulletin

Mariing pinabulaanan naman ni AJ ang pinaninindigang kwento ni Cristy Fermin ukol nga sa pagbubuntis nito. Depensa naman ni AJ na naging positive siya sa covid kaya daw hindi na siya nakikita sa publiko. Taliwas ito sa sinasabing itinatago daw niya ang kanyang pagbubuntis. Naglabas pa ng larawan si AJ at binuyangyang ang flat na abs subalit hirit ng netizens na lumang larawan daw iyon ni AJ. 

Facebook images

Maugong din ang usap-usapan na may anak na si AJ bago pa ito pumasok sa showbiz at itinatago rin daw. Samantala, sa latest post ng ina ni AJ na si Allysa Alvarez ay tila naghahamon ito sa bashers ng kanyang anak kay Jeric Raval. Ayon kay Cristy Fermin na naghahamon daw itong si Misis Alyssa Alvarez sa post nito. Kong gusto daw maiwas ni Alyssa ang pangbabash sa anak niya ay paalisin na niya ito sa showbiz at ito lang ang tanging solusyon upang matahimik ang buhay nito. 

Manila Bulletin

Si hinuha ng batikang kolumnista ay nagbukas ng pinto at bintana ang ina ni AJ upang mas lalo pang gugulo ang isyu. Tama naman na ipagtanggol ng ina ang anak ngunit hindi sa ganitong pamamaraan na magreresulta pa sa mas malaking gulo. 

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *