Address
Metro Manila, Philippines
Ha? Bakit kayo nagtatakbuhan? May pa-fansign ba si Chona Mae?
Oh, Bakit kayo nagkakagulo kay Chona Mae? Ano Meron?
Ito ba siya?
Sino ba kasi siya?
Sino si Chona Mae, beauty queen ba siya?
Pero kidding aside,
Hindi ito malilimutan ng mga Cebuano panigurado dahil nagkakagulo sila noong may sumigaw ng Chona Mae ngunit ano nga ba ang pangyayari dito?
Paglalarawan
Wala man tayo sa sitwasyon na iyan, tiyak ay mapapaisip ka talaga bakit maraming tao ang nababalisa sa mga daan, ang iba naman ay umakyat pa sa overpass. Ang kabuuan palang kwento ay noong Pebrero 2012, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Cebu at Negros. Matapos iyon ay may sumigaw na mamamayan doon na hinahanap ang kanyang anak na nagngangalang “Chona Mae” ngunit dahil nga sa kanilang accent (ang accent nila ay medyo mariin sa mga bisaya), ito ay nasabi bilang /chu-na-mi/ na naging dating sa mga tao roon ay tsunami. At matapos nila marinig ito, ay nagpanic ang mga tao, iniwan ang kanilang mga bahay, kahit ang mga preso noon ay kinakalog ang mga bakal ng rehas, pati na rin ang mga jeepney driver ay natataranta at mga kumakain sa restaurant ay hindi na rin talaga mapakali at tila wala na ring pakialam kung nakayapak sila na tumakbo at doon rin ay umakyat narin sila sa overpass para sa ligtas na lugar.
Maski ang mga netizens na nakaranas nito, 10 taon na ang nakalipas ay nagkaroon ng sari-saring reaction sa Facebook.
Makikitang tinatawanan na lamang ng mga netizens ang pangyayari sa kanilang karanasan.
Ano ang ating mapagtatanto sa pangyayaring ito?
Noong na-cover ng vlogger na si Claro the Third, tinagurian niya itong worse game ng “Pass the Message” dahil nga sa maling pag unawa o fake news ngunit liwanagin natin na ang bawat side ng mga tao rito ay hindi natin masisisi dahil ang kanilang accent ay ganoon na rin at hindi ito dapat isisi sa tao na sumigaw at nakikita ko rin na valid ang reaction ng mga tumakbo at nagpanic. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit tila natatawa na lamang ang mga netizens ngayon na naroon sa pangyayari.
Ngunit isa rin sa mga matututunan natin rito ay maging handa mga mga kalamidad dahil ito ay bigla na lamang nangyayari ngunit huwag rin na magpanic. At huwag rin tayo na magkalat ng maling impormasyon upang hindi mabalisa ang mga makakabasa o makaririnig.
At nakakatrauma rin ang pangyayari kaya nawa ay nasa maayos na silang kalagayan ngayon.
Ikaw, saksi ka ba sa “Chona Mae” noon sa Cebu?Mangyaring mag-iwan lamang ng komento.
Para sa mga mas detalyadong kwento, I-click lamang ang link.
References: