Ivana Alawi nag tusok-tusok. 

Share your this to your friends!

Sa vlog ni Ivana ay muling pinuri ng netizens ang kagandahang loob ng actress. Isa nga si Ivana sa masasabing big time youtuber at influencer sa bansa ngayon. Sa kabila ng sexy na imahe ay hindi matatawaran ang mga nabigay na tulong niya sa kapwa. 

Screencap Ivana Alawi/youtube

Pinamagatang My followers control my Day ang vlog na ito kung saan si Mona ang younger sister niya ang pumili ng challenge mula sa mga instagram followers ni Ivana kung ano ang nais ipagawa sa kanya. At isa nga dito ang kumain ng street food. 

Screencap Ivana Alawi/youtube

Kaya naman ay hindi binigo ni Ivana ang kanyang mga followers. Kasama ang buong pamilya ay nagtungo sila sa kalye at doon isinagawa ang challenge. Kumain sila sa tusok-tusok isang popular na street foods ng mga pinoy. Kung saan muling ipinamalas ng actress ang natural at walang kaartehan na pakikihalubilo sa ordinaryong pilipino. 

Screencap Ivana Alawi/youtube

Ang tindera ng tusok-tusok ay binigyan pa niya ng limang libong piso upang ipakain sa mga tao ang mga paninda nito ng libre. Namigay din sya ng pera sa mga tao doon. 

Screencap Ivana Alawi/youtube

Minahal ng madla si Ivana kahit baguhan pa ito sa showbiz dahil na rin sa angking asal at hindi mo makikitaan ng kaartehan sa kabila ng magandang mukha at yaman nito. 

Screencap Ivana Alawi/youtube

Dagdag pa niya ay patuloy pa rin siyang haharap sa mga challenges na ipapagawa ng kanyang mga followers. At abangan rin natin ang kanyang serye sa Kapamilya network. 

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *