IVANA ALAWI, nagpa-retoke

Share your this to your friends!

Umabot na sa 2.1 million views sa loob lang ng isang araw ang vlog ni Ivana Alawi sa kanyang pagpaparetoke ng ilong. Ngunit ang lahat ng iyon ay prank lamang. Nag-umpisa ang ideya sa pagpapatupad ng kahilingan ng kanyang kasambahay na si Mae. 

Isang linggo na hindi pinapansin ni Ivana ang kasambahay bilang paghahanda sa surpresa niya. Kakuntsaba pa niya ang kapatid ni Mae na si KC isang kasambahay din. Si Mae ay apat na taon nang nagsisilbi sa tahanan ng mga Alawi at ni minsan ay hindi pa raw ito umuuwi sa kanila dahil inilaan niya ang kanyang sahod sa kanyang anak bilang isa siyang single mom. Napag-alaman ni Ivana na matagal na pala gustong magpaayos ni Mae ng ilong dahil tampulan siya ng tukso noong kabataan niya. 

Sa araw mismo ng surpresa ay wala pa si Mae sa bahay dahil nag beach at pinasundo pa ni Ivana gamit ang helicopter. Nang makarating na ay doon na ibinunyag ni Ivana ang kanyang surpresa. Agad sila nagtungo sa Belo Medical Clinic. Kasama si Mona, Mae at kapatid na lalaki kong saan ay isa sa bibiktimahin nila sa retoke prank. 

Pinaunlakan mismo ni Dr. Vicky Belo ang balak na nose reconstruction ni Mae. Bilang regular na client ay aabutin pa pala ng isang taon ang waiting list kapag magpapagawa ka sa Belo. Pero dahil vip si Ivana ay kinabukasan gagawin agad ang operasyon. 

Nang uuwi na sila ay nakahanda na ang prank ni Ivana at nagulat ang kapatid niyang lalaki habang nasa sasakyan pauwi. Hindi ito makapaniwala na nagparetoke ang kapatid sa kabila ng magandang ilong na nito. May pa-plaster at patahi effect pa ang ilong ni Ivana dahil isa din sa kanilang lolokohin ang ang mama nila. 

Subalit hindi nagtagumpay ang prank niya sa mama niya. Gayunpaman, muli na naman tumulong si Ivana. Makikita sa video na ang amo at kasambahay ay tila mag-barkada lang. Isa na naman patunay ang kagandahang kalooban ng big time vlogger. Kasalukuyan niyang ginagawa ang teleserye sa Kapamilya Network na “A Family Affair”.

Photos: Ivana Alawi Vlog/youtube

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *