Ivana Alawi, namalengke!

Share your this to your friends!

Kinagigiliwan na naman ng netizens ang big time vlogger at sexy actress na si Ivana Alawi. Sa kanyang palengke at cooking challenge vlog kung saan ay hinati sa dalawang team ang pamilya niya. Si Mona at Hashim ang magkapareha habang si Ivana naman at kanilang mommy ang magkasama. 

Screencap Ivana Alawi vlog

Sa challenge na 500 pesos lamang para makabili ng sangkap sa sinigang na isda sa team ni Hashim at afritadang manok naman para sa team ni Ivana. Kailangan pagkasyahin ang 500 pesos budget sa pamamalengke. Medyo hirap si Ivana sa pagbudget habang ang kapatid naman niya na si Hashim ay marami pang sukli. 

Screencap Ivana Alawi vlog

Hindi pa rin nawawala ang kulitan ng magkapamilya. Kitang-kita ang natural na pagmamahalan at kasiyahan ng buong pamilya. Samantala, inaabangan ngayong taon ang unang serye ni Ivana sa Kapamilya network na A Family Affair. 

Screencap Ivana Alawi vlog

Sa ginawang palengke at cooking challenge ay nagwagi ang team ni Ivana. Sa pamamagitan ng pagtikim at paghusga sa kanilang niluto ng mga kasamahan sa bahay. Nasa 627k ang views matapos ang limang oras ng pag-upload sa kanyang vlog. Habang nasa 15.4 milyon naman ang kabuuang subscribers ni Ivana. 

Author

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *