Kaalaman: Mga tunay na dahilan kung para saan ang bahagi ng isang bagay. 

Share your this to your friends!

Maraming bagay sa ating kapaligiran at sa pang-araw-araw  na madalas natin nakikita ngunit hindi natin alam kung para saan ito. 

Ang butas sa handle ng kawali. Marahil ang pinakaunang naiisip natin ginawa ang butas na ito upang madaling isabit ang ating mga kawali. Ngunit ang tunay pala na dahilan kung bakit may butas ito ay lagayan pala ito ng syanse. 

Photo Credit: technical-tips.com

Ang butas sa takip ng ballpen. Siguro narinig na natin na kaya may butas ang takip ng ballpen upang madaling matuyo ang ink sa loob at paulit-ulit tayong bibili ng ballpen. Pero ang tunay na dahilan ay para ito sa mga taong mahilig ngumatngat  ng ballpen, pambihirang dahilan ngunit ito ay totoo. Ginawa ito kung sakali man malunok ng tao ang takip ng ballpen ay patuloy pa rin makakadaloy ang hangin sa lalamunan at may oras pa na madala sa ospital. 

Photo Credit: scoopwhoop.com

Ang ring ng softdrinks can. Sa mga hindi pa nakakaalam ang purpose sa kung bakit may butas o ring ang opener ng softdrinks can upang lagayan ito ng straw. Dahil sa laki ng butas ng softdrinks can ay gumagalaw ang straw kung dito mo ito ipapasok. 

Photo Credit: thriftyfun.com

Ridges ng barya. Nakabase ang dahilan ng ridges sa barya noong unang panahon pa. Dahil ang mga barya noon ay gawa sa ginto at plain lang ang edges nito. May mga tao kasi na kinikiskis ang barya upang makakuha ng ginto. Kaya nagkaroon ng ridges ang bawat barya upang mapanatili na intact pa rin ito. 

Photo Credit: sbcgold.com

Maliit na butas sa padlock. Ang purpose nito ay daluyan ito ng tubig ulan upang hindi agad masira o kalawangin ang loob nito. Dito rin ang lagayan ng lubricant kung kinakailangan nang lagyan ang padlock. 

Photo Credit: beingindian.com

Takip ng softdrinks glass sa fast food. Ang mga fast food chains ay pwede ka mag dine in o take out. Kaya naman ang mga takip ng kanilang softdrinks glass ay selyado na kahit umuga ito habang bitbit mo ay hindi matatapon ang laman nito. Ngunit may ibang purpose pa ang takip nito. Pwede mo ito gawing saucer sa upang hindi mabasa ang mesa o lugar paglalagyan mo. 

Photo Credit: youtube.com

Mga regular na bahagi ng isang bagay na hindi natin madalas binibigyan ng pansin. O di kaya mali ang akala natin kung para saan ang mga ito. 

Author

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *