Address
Metro Manila, Philippines
“Elections come and go. But I got just one vote… even my family did not vote for me,”
Mga katagang nasabi na lamang ni Santosh Halpati, isang kandidato para sa Kapitan ng barangay sa Chharwala Village, Vapi District, Gujarat, India. Aba’y akalain mo nag-iisang boto lang ang nakuha niya matapos ang bilangan sa kanilang lugar. Ibig sabihin siya lang din ang tanging bumoto sa sarili at wala ng iba.
Photo Credit: thenewspresenter.net
Naghimutok at nadismaya si Halpati sa pangarap na maging Sarpanch o Brgy. Captain dahil natalo na nga ay hindi pa siya sinurpotahan ng pamilya, kamag-anak at mga kaibigan niya. Napag-alaman na may isang dosenang kamag-anak si Halpati sa kanilang lugar.
Marahil ilan sa atin ay natatawa sa kwentong ito ngunit nakakaawa din na kahit isa man lang sa kamag-anak niya ay walang tiwala sa kanya na mamuno sa kanilang lugar.
Photo Credit: thenewspresenter.net
Napaiyak na nga lang itong si Halpati sa labis na lungkot dahil sa nangyari. Tanggap naman daw niya ang pagkatalo subalit hindi katanggap-tanggap na ni isa man lang kahit kaibigan ay walang sumuporta at nagtiwala sa kanya.
Kaya paalala sa mga nagnanais na papasok sa politika, makiramdam, kumilatis at siguraduhing may solidong susuporta sayo upang hindi magaya sa nangyari kay Halpati.