KFC: finger lickin’ good, Ang simula

Share your this to your friends!

Isa sa pinakakilalang fried chicken sa mundo ay ang KFC o Kentucky Fried Chicken. Ngunit paano nga ba ito nagsimula? Halina’t alamin natin. 

Ipinanganak noong September 9, 1890 si Harland David Sanders sa Henryville, Indiana. Sa edad na lima ay namatay na ang kanyang ama kaya napilitan ang ina na magtrabaho sa pabrika at tumanggap ng pananahi sa mga kapit-bahay. Dahil dito naging pangalaga na si Harland sa dalawang bunsong kapatid. Sa edad na sampu ay natuto na itong magluto. Makalipas ang pitong taon ay nag-asawang muli ang ina niya at lumipat sa bahay nito ngunit hindi nagkasundo si Harland at ang step father nito kaya ibinalik siya sa dating lugar. Nagtrabaho siyang muli sa bukid kasabay ang pag-aaral. 

Crunchbase

Dumaan rin sa maraming trabaho si Harland. Noong 1906 ay naging streetcar conductor siya. Dinaya din niya ang edad upang makapasok sa US Army kung saan ipinadala siya sa Cuba ngunit pinabalik rin noong 1907. Naging helper naman siya sa railroad ng tren at di naglaon ay na promote bilang fireman kung saan siya ang naglalagay ng panggatong para sa steam engine train sa loob ng tatlong taon. Pinasok din niya ang abogasya kong saan naging abogado sa Arkansas subalit hindi rin nagtagal ang propesyon dahil nakipagsuntukan siya mismo sa loob ng court. Nagpalipat-lipat siya ng trabaho tulad ng Insurance salesman, tire salesman, secretary, ferry operator, gas station manager at part-time midwife.

The Verge

Noong 1909 ay napangasawa niya si Josephine King at biniyayaan ng tatlong anak ngunit iniwan rin siya ng pamilya dahil sa wala itong permanenteng trabaho. Dumagdag pa ang dagok sa buhay ni Harland noong namatay sa edad na 20 ang anak nito dahil sa tonsil infection. Subalit nag-umpisang bumuti ang buhay ni Harland noong naging Station manager siya ng Shell Oil Company sa North Corbin, Kentucky. Ginawa niyang cafe ang isang espasyo sa lugar ng gas station para maging kainan. At isa sa mabenta ay ang kanyang fried chicken. Kong saan ay di naglaon naitayo niya ang Harland Sanders Restaurant at bida dito ang 11 herbs ng kanyang fried chicken. Hindi man siya nagtagal sa US Army ay tinawag siyang colonel dahil noong 1935 ay ginawaran siya ng Kentucky Colonel award para sa mga sikat na tao sa Kentucky. Nag-expand din ang negosyo niya at nagkaroon ng Sanders Motel. Ngunit dahil sa paghina ng turismo ay binenta niya ang motel noong 1942. At makalipas ang sampung taon ay ibinenta naman niya ang restaurant dahil humina na rin ang customer. 

Meer

Sa edad na 65 ay umasa na lamang siya sa pension at natitirang pera mula sa nakaraang negosyo. Subalit naisipan niya ang franchising, kong saan nagpupunta siya sa iba’t-ibang restaurant at mag-alok na magluluto siya ng fried chicken kapalit ang 0.04 dollar bawat piraso. Pero karamihan sa mga napuntahan niyang restaurant ay tinanggihan siya. Maliban na lang sa isa. Si Pete Harman may-ari ng Harman’s Cafe sa Salt Lake ang naniwala at tumulong sa kanya at nabuksan nila ang kauna-unahang franchise ng KFC. Si Don Anderson naman isang sign painter ang nakaisip sa pangalang Kentucky Fried Chicken. Noong 1964 ay umabot na sa 600 stores ang KFC at sa taon din na iyon ay ibenenta niya ang KFC kay John Brown at Jack Massey sa halagang 2 million dollars. Gayunpaman, hindi binitawan ng nakabilo si Sanders at naging brand ambassador ito ng KFC. Sa edad na 90 noong 1980 ay namatay si Sanders ngunit iniwan nito ang masayahing mukha ng KFC at mga charity works. As of December 2019 ay nasa 22 thousand locations sa 150 countries na ang KFC. 

1967 pa lang ang may KFC na sa Pilipinas. At noong 1994 ay naibigay kay Manuel Agustines ang sole franchise owner para sa sales at distribution ng KFC product sa bansa. Ngayon ay mayroon ng 300 branches ang KFC sa Pilipinas. 

Author

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *