Address
Metro Manila, Philippines
Sa nakaraang mensahe ng Queen of all Media na si Kris Aquino para kay Cristy Fermin ay nabanggit nito na marami daw paraan upang makontak nina James Yap at Philip Salvador ang mga anak nito kay Kris ngunit hindi daw ginawa. Dagdag pa ay nasabi ni Kris na parang kasalanan pa daw niya na walang komunikasyon ang mga anak niya sa mga ama nito.
Nag-ugat ang napakahabang text message ni Kris nang may naipakitang video si Bimby ukol sa mga komento ng beteranang kolumnista na si Cristy Fermin sa mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby. Involve dito ang sustento, oras at komunikasyon mula sa kanilang mga ama. Ayon kay Cristy Fermin, noon pa man daw ay gumawa na ng paraan si James Yap na mabigyan ng oras ang anak na si Bimby.
Subalit sa tuwing tumatawag si James ay laging ang yaya ni Bimby ang sumasagot kapag balak hiramin ni James ang anak ay lagi rin itong may dahilan na may naunang schedule na ng lakad, magpapa-check up at kong anu-ano pang rason. Kaya ang ending ay hindi nagkakaroon ng oras at panahon ang mag-ama. At ganito rin ang nangyayari kapag si Philip naman ang tumatawag.
Sa madaling salita hindi nila direktang nakakausap si Kris pagdating sa mga anak nila. May visitation rights naman daw si James ayon sa kasunduan nila sa korte ngunit hindi tumupad si Kris. Unti-unting naglalabasan ngayon ang mga katotohanan sa buhay ni Kris. Katulad na lamang noong 2016 election period habang ipinakikilala ni Sen. Bong Go si Philip Salvador ay sinasabi nito na “ito sana ang kabiyak ni Kris na hindi natuloy…” lumalabas ngayon na pinagbintangan pala ni Kris si Philip na siya ang utak sa ganoong pagpapakilala kong saan ayon kay Kris na hindi man lang daw inisip ang proteksyon nito kay Josh.
Kaya ngayon dapat siguro ibalik kay Kris ang katanungan kung bakit walang komunikasyon sina Bimby at Josh sa mga ama nito. Gayunpaman, sa panahong ito na lugmok si Kris sa sakit ay dapat na rin sana manindigan ulit sina James at Philip hindi lang sa kanilang karapatan kundi sa presensya ng ama sa mga anak nito. Lalo pa na tila nagpaparamdam na si Kris kung papaano na lang daw ang mga anak niya kong mawawala na siya.