Address
Metro Manila, Philippines
Sa diskusyon ni Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Morly Alinio ay nagpag-usapan nga nila ang kasalukuyang kalagayan ng Queen of all Media na si Kris Aquino.
Ayon sa beteranang kolumnista ay lumalala na nga raw ang kalagayan ni Kris at may nasabi pa ito na parang may ibang sakit na nadagdag. Dahil umano daw ay bed-ridden na si Kris at hindi na nakakagalaw masyado. Matatandaan na laging updated si Kris sa kanyang social media ngunit ang nakaraang post niya ay hindi na nasundan. Ang post nito ay pagbibigay niya ng pasasalamat sa mga doktor, kaibigan at kapamilya na tumutulong sa kanya. Nabanggit rin niya na naka-schedule na siya papuntang U.S upang magpagamot sa Houston, Texas.
Subalit hindi pinayagan si Kris ng kanyang mga doctor dito sa bansa dahil pabago-bago daw ang kanyang blood pressure kong saan mahigpit na ipinagbabawal din sa mga airlines. Gayunpaman ang dalawang anak ni Kris na lamang ang tumuloy. Ngunit nitong huli ay napabalitang pinababalik na ni Kris sina Josh at Bimby dito sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Nay Cristy, ang balat daw ni Kris ay tila namumula at pumuputok dahilan ng pananakit nito. Nabanggit din niya na may bagong gamot daw sa sakit ni Kris ngunit hindi pa pwedeng gamitin dahil hindi pa ito lisensyado.
Tanging pagdarasal ang hiling ni Nay Cristy sa mga tao para kay Kris. Chronic urticaria ang sakit ni Kris, isang uri ng auto-immune disease kung saan inaatake mismo ng immune system ang sariling katawan.