KRIS AQUINO, sinumbatan si CRISTY FERMIN

Share your this to your friends!

Sa youtube channel ni Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Morly Alinio ay inihayag niya ang napakahabang text message sa kanya ni Kris Aquino at sinagot naman ito ng beteranang kolumnista. Narito ang text message ni Kris at sagot naman ni Cristy. 

Kris Aquino instagram

“Pwede bang makiusap? Please? This whole experience just been so heartbreaking for kuya and bimb… I recently read what you had comments about. May video kasi that was uploaded at nag-summarize sila nung mga comments mo it was bimb who showed me. But i have very simple facts: Robin continues to check on me. SBG has my number. If kuya josh’s dad wanted to reach out maraming paraan- may Senator Robin, may Senator Bong Go at even Jonathan So na kumpare niya na bestfriend ni SBG knows how to contact me. My 2nd point is James Yap- Mayor Francis Zamora has my number and he also maintained communications with Atty Sig Fortun my lawyer who was also his lawyer. Maraming paraan tita Cristy kong gusto nilang mag reach out to kuya and bimb- yet they have not… So bakit naman pati yung pagkukulang nila parang ako pa rin ang may kasalanan? It hurts a lot becoz none of you know how difficult this battle is. The statement i put out was TRUTHFUL pero marami akong tinanggal na hindi na necessary na malaman pa ng tao. You can never like me again-super gets na gets ko yun, but kuya josh and bimb- wala silang atraso sa’yo- so please tita spare my sons. Tita Cristy- all know we have just today so please let me give kuya and bimb some special memories in case it’s really the end of my journey. In less than 3 months direcho na ko sa immunosuppressant- chemotherapy na… it’s the only road i have. ” – Kris Aquino

Screencap Showbiz Now Na/youtube

” Sa napakarami mong giyera, ako ang pinakamatapang mong sundalo Kris, pero ako din ang pinakamatapang na sundalo na hindi kumakampi sa’yo kapag mali ang ginagawa mo at alam mo yun. Gaya nito, nanahan ka dun sa mga video na pinag-halo-halo at nag summarized ng mga sinabi ko. Kaya mo naman pala ako e text ng ganyan ka haba ba’t di ka na lang nag text sa akin para malaman mo kong ano ang motibo ko at kong ginawa ko yun para makasakit sa iyo. Napakaraming pagkakataon na ginawa mo sa akin yan, alam mo habang binabasa ko ang text mi, naaawa ako sa iyo, awang-awang-awa ako sa iyo. Isipin mo nakalugmok ka na, may sakit ka na, pinapaniwala mo kami at ang buong sambayanan na napakatindi ng sakit mo, na kinakailangan kang dalhin sa Houston dahil sabi mo “time is my enemy”, nag pribadong eroplano ka na para lang makahabol sa gamutan sa Houston, pero ano ang ginawa mo? Sa isang napakaliit na bagay na hindi mo pa sigurado kong tama ka, HINUSGAHAN mo na ako! Walang atraso sa akin ang mga anak mo, ikaw paminsan-minsan meron, pero pusong ina ako. Minsan isang pagkakataon anak kita at nanay mo ako. Minsan isang pagkakataon may nagawa kang maganda sa akin. Minsan isang pagkakataon binigyan mo  ako ng importansya, hinding-hindi ko yun makakalimutan Kris Aquino. Kung paano mo akong hinusgahan ngayon, kung paanong sinabi mong hwag na hwag kong bibirahin ang mga anak mo at ikaw na lang. Sana wala kang stiff neck, sana maalala mo rin yung mga panahong nagpapasalamat ka sa akin dahil ako ang unang pinakamatapang mong sundalo sa lahat ng laban na pinasok mo. ” – Cristy Fermin. 

Screencap Showbiz Now Na/youtube

Pinabulaanan din ni Cristy na kahit minsan sa show niya ay hindi niya binanatan sina Josh at Bimby. Bagkus pinagtanggol pa niya ito. Subalit inamin ni Cristy kong papaano niya dinidescribe si Kris sa mga column niya na mukha na itong bungo. Nabanggit pa ni Cristy na ang kinatatakutan nila Kris  na maging palpak daw ang gamutan sa Houston ay nangyari na nga. At tila lilipat sila ng iba pang hospital. 

Author

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *