Address
Metro Manila, Philippines
Ayon sa isang netizen na si Fernando Isnec Jr.
“dapat ilagay na lang sa investment ang iba bumababa ang value kapag di gumagalaw ang pera dahil sa inflation…coins hoarding yan.. turuan sila maginvest o magpalaki ng kita ng pera magtago para sa emergency funds sa banko kahit paano protected ang pera mo kaysa sa nakatago na pwede manakaw o masira o mawala..”
Ang komento ng netizen ay nagmula sa facebook post ni Chinkee Tan isang sikat na financial adviser. Sa post ni Chinkee ay inilahad niya ang isang storya ng ipon-challenge na ginawa ng isang special child.
Ayon kay Marwan Saliao na taga Maguindanao. Sinimulan ng kanyang special child ang pag-iipon. Sinabi daw nito sa mama niya na kalahati ng kanyang baon ay ilalagay niya sa alkansya na gawa sa basyo ng facial tissue. Hindi nagtagal ay sumunod na rin sa pag-iipon ang mga kapatid nito. Kaya naman ay binilhan na sila ng mga alkansya ng kanilang magulang.
Enero ng taong 2019 nagsimulang mag-ipon ang magkakapatid. Padami ng padami na rin ang mga alkansyang pinag-iponan nila ng mga barya. Natuwa at hinayaan na lamang nila ang mga anak kesa ipambili pa ng kung anu-ano.
Lumipas ang tatlong taon, dumating sa punto na nangangailangan na sila ng pera dahil kinapos sa pera ang mag-asawa para sa lupa na nasa tabing-dagat ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Kaya naman ay naisipan na nilang buksan ang alkansya.
Habang binubuksan at binibilang ang mga barya, umabot na ng 146, 670 libong-piso ang ipon ng magkakapatid. Naging malaking tulong ito para sa pamilya.
Bukod sa baon ay humihingi din sila ng extrang barya sa mga magulang upang ipunin. Gayunpaman, hinangaan ng netizens ang pagtitiyaga ng mga bata. Sa halip na mga materyal na bagay ang bibilhin ay mas pinili pa nilang ipunin ito. At may magandang pinatunguhan ang kanilang pag-iipon.
Kung ang isang special child ay nagkaroon ng kaisipan na mag-ipon, tayo pa kaya na isinilang na normal. Isang magandang halimbawa ang aksyon ng mga batang ito.