Megastar nakatanggap ng pendant mula kay Fanny Serrano

Share your this to your friends!

“The hands that made me feel and look beautiful for over thirty years, even when I didn’t think I did. Thank you, my dearest TF, my Tita Fanny, for your love, friendship, loyalty, and for all the laughter we shared. Thank you for wiping so many tears quietly as they poured from my eyes on so very many occasions over all these three decades”. – Sharon Cuneta

Sa pagpanaw ng sikat na hair stylish na si Felix Mariano Fausto o mas kilala bilang Fanny Serrano noong May 10, 2022 sa edad na 74, ang isa sa mga labis na nalungkot ay ang megastar na si Sharon Cuneta. 

Ilang buwan ang nakalipas ay ibinahagi ni Sharon sa kanyang instagram ang health condition ni tita Fanny na ito umano ay nagpapagaling na. Subalit hindi na yata nakayanan pa ng hair stylish-actor ang karamdaman. Naibalita na noong 2016 at 2021 ay nagkaroon ng massive stroke si tita Fanny. 

celebseek.com

Ilang celebrities ang nagbigay ng tribute sa yumaong hair stylish. Kasama dito sina Dulce at Kakai Bautista. Sa instagram post naman ng megastar ay ibinahagi niya ang pendant t na bigay ng pamilya ni tita Fanny na may laman na ashes o abo sa yumao. 

Sharon Cuneta instagram

At nagpapasalamat din ang actress sa mahigit tatlong dekada ng pagkakaibigan at ang mga kamay ni tita Fanny na nagpapaganda sa kanya. Unang sumabak sa industriya si tita Fanny noong dekada 70, napansin ang angking galing at nagkaroon na ng maraming proyekto. Bukod sa pagiging hair stylish ng mga celebrities ay pinasok din niya ang mundo ng showbiz at endorsements. 

Sharon Cuneta instagram

Ilan sa mga sikat na kliyente niya ay sina Sharon Cuneta, Cherie Gil, Lorna Tolentino at Celia Rodriguez. Nakakalungkot man ngunit isang pondasyon na si tita Fanny sa larangan ng pagpapaganda at magagandang ala-ala rin ang naiwan niya sa pagiging hair sylish man o bilang actor. 

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *