MRT, LRT, PNR at BUS CAROUSEL mananatiling libre sa lahat

Share your this to your friends!

Sa pakikipagpulong ng bagong presidente na si Pangulong Bongbong Marcos sa Transport secretary na si Jaime Bautista at Executive secretary na si Vic Rodriguez ay tuloy na tuloy simula July 1 hanggang December 2022 ang pangalawang yugto ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel. 

Buses and Ferries

Inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon ng DOTr sa pagpapalawig sa libreng sakay sa kalakhang Maynila sa pamamagitan nga ng mga EDSA Bus Carousel. 

Bukod dito ay libre din sa pagsakay ang mga estudyante sa MRT-3, LRT-2 at PNR lalo na sa darating na face-to-face classes kong matutuloy ito sa Agosto ngayong taon. 

Manila Bulletin

Ito’y napakalaking tulong sa mga commuters sa kabila ng pandemyang hinaharap pa din natin sa ngayon. Kahit maluwag na ang restriksyon patungkol sa covid protocol ay nananatiling pandemic status pa rin ang mundo. May mga kaso pa rin na naitala sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. 

Philippine News Agency

Subalit nagpapahirap pa din sa mga motorista at sa ating lahat ang walang humpay na pagtaas ng gasolina kong saan lahat din ng bilihin ay naapektuhan. Kahit sa pamaraan ng libreng sakay ay kahit papaano ay may maitulong ito sa ating komunidad. 

Author

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *