Online seller naglabas ng Saloobin

Share your this to your friends!

Patok at nauuso sa panahon ngayon ang pagbebenta online lalo na at naging limitado ang paglabas ng mga tao sa panahon ng pandemya. Marami na rin na mga netizen na ginawang full-time ang pagiging online seller. 

Subalit sa kabila ng tagumpay ay may mga nakakalungkot na karanasan din ang mga kagayanila. Tulad na lamang ni Jobelle Laurel isang online seller. Matapos ang nangyari sa kanyang pagkahulog at napuno ng putik ang katawan ay naglabas sya ng saloobin sa mga customer na binabarat at nagpapa-cancel ng order sa tuwing malaman na may delivery fee ang produkto. 

Photo Credit: Jobelle Laurel

Ipinaliwanag ni Laurel na kailangan niya ng delivery fee lalo na sa malalayong lugar upang hindi mabawasan ang kakaunting tubo niya bawat produkto. Inihalintulad din niya ang kanyang negosyo sa mga malalaki at kilalang online seller company na may delivery fee din. 

Masama din ang kanyang loob sa mga nambabarat at pa-cancel na customer. Kaya ang payo niya sa mga katulad niya ay huwag nang ipilit sa isang customer at ilaan na lamang ito sa iba. 

Photo Credit: Jobelle Laurel

Hindi nga naman madali ang ganitong kalakalan. Lalo na kong makatagpo ka ng bugos buyer. Upang maging maayos ang lahat ay respetuhin ang bawat isa at laging tandaan walang patutunguhan ang manlamang sa kapwa. 

Author

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *