Pinroklama na ang susunod na Presidente at Bise Presidente ng Pilipinas

Share your this to your friends!
House of Representatives
source: Global Times

Pagkatapos maisagawa ang live canvassing of votes sa House of Representatives noong Mayo 24, 2022 ay naisumite na ng National Board of Canvassers (NBOC) ang pinal na resulta ng botohan. Naideklara ang kumpirmadong pagkapanalo ni Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. bilang Presidente at ni Inday” Sara Zimmerman Duterte-Carpio bilang Bise Presidente ng Pilipinas. Isinagawa ang pagpoklama noong Mayo 25, 2022.

source: The Manila Times

Nanalo ang dating senador na si Bongbong Marcos sa pagkapangulo sa 31,629,783 na boto ng mga Pilipino katumbas ng 58.77% ng populasyon ng Pilipinas. Kaalinsabay ng pagdagsa ng bilang ng bumoto kay BBM ay ang pagdagsa rin ng boto sa kanyang running mate na si Inday Sara bilang bise-presidente na umabot sa 32,208,417 na boto o 61.53% ng botante sa Pilipinas.

Dumalo ang mga pangunahing tagasuporta ng dating senador; ang kanyang ina (Imelda Marcos), asawa (Louise “Liza” Marcos), mga kapatid (Imee Marcos at Irene Marcos) at anak (Joseph Simon Marcos) upang saksihan ang proklamasyon ng kanyang pagkapanalo.

source: The Manila Times

Bago pa man magarantiya ang kanyang pagkapanalo ay marami nang mga lider ng iba’t-ibang bansa ang bumati at pinagbunyi ang paghalal sa bagong Presidente.

“I’m sure you know, nakakatanggap na ‘ko ng mga congratulatory messages from different Heads of States.”

-President Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr., Press Conference, May 23, 2022

Kasama sa mga unang nagbigay ng pagbati ay sina Joe Biden (US President), Xi Jinping (President of China), Fumio Kishida (Japan Prime MInister), at Scott Morrison (Former Australian Prime Minister).

Nauna na ring nakipagpulong si President BBM sa mga ambasador ng iba’t-ibang mga bansa kabilang ang South Korea, Japan at India.

source: PNA

Pangungunahan ni President Bongbong Marcos ang paglathata at pagsasagawa ng proyekto sa Pilipinas maging ang paglunsad ng mga platapormang kinampanya mula taon 2022 hanggang taong 2028. Kasalukuyan syang nagbubuo ng gabinete at sinabing darating din sa tamang oras ang pagpapakilala nya sa mga ito isa-isa.

Samantala, matapos ang pagproklama sa bagong Presidente at bise-presidente ng bansa ay nabigyang-pansin ni Inday Sara Duterte ang mga reporters. Sinabing:

“Ang akong pagdaog mooy kadaugan sa inyong tanan nitabang, nanikamot ug nisuporta kanako. (Ang aking pagkapanalo at panalo rin ng lahat ng tumulong naniwala at sumuporta sa akin),”

-Vice President Inday” Sara Zimmerman Duterte-Carpio, after-Proclamation interview

“The opportunity to serve as vice president I dedicate to Kean Gabriel, to Larry, to Jaren and Frederick and all those who passed because of terrorism, abuse, criminality, and bullying,”

-added by Vice President Inday” Sara Zimmerman Duterte-Carpio, after-Proclamation interview
source: Inquirer.net

Sa kabilang dako ay hindi nagpakita ang sinumang miyembro ng pamilya ni VP Sara Duterte maging ang kanyang ama na kasalukuyang nakaupong Pangulo ng bansa, President Rodrigo “Digong” Roa Duterte. Walang statement na sinabi ang bagong bise patungkol sa kanyang pag-iisa sa proklamasyon. Isang “Thank you” lamang at umalis na ito.

source: Philnews.ph

Uupo si Sara Duterte sa pwesto bilang Bise Presidente sa loob rin ng anim na taon mula 2022 hanggang 2028.

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *