POKWANG at LEE, hiwalay na

Share your this to your friends!

Isa sa pinakamainit na kakampink ay ang dating kapamilya comedienne na si Pokwang. Nitong huli ay muli na naman umani ng bashers ang komedyana dahil sa kanyang pagkomento sa post ni Ella Cruz tungkol sa history na inihahalintulad niya sa tsismis. Simula pa noong kampanya sa eleksyon ay walang humpay ang post ni Pokwang at pinapatulan talaga niya ang mga bashers. Patola queen na ngang ituring si Pokwang.

imdb.com

Gayunpaman, isa rin si Pokwang sa mga celebrity na tumulong sa ibang tao sa panahon ng pandemya. Tinataguyod ang pamilya at may sariling  negosyo din ang “Mamang Pokwang”. Subalit maraming nakapansin dahil sa pagpalit ng pangalan ng kanyang negosyong naka garapon. Kung dati nasa pangalan nito ang “papang” ang tawag niya sa kanyang foreigner na asawa. At sa mga post nito ay tila hindi na niya kasama si Lee O’Brien. 

Manila Standard

Sa kabila pala ng mga banat niya sa social media ay naghiwalay na pala sila ng kanyang asawa. Noong Nobyembre 2021 pa pala sila hiwalay nito. Ngunit hindi pa dinitalye ni Pokwang ang rason ng hiwalayan nila. Pero maayos naman daw ang kanilang hiwalayan. Kapag may taping si Pokwang ay pumupunta si Lee sa kanilang bahay upang alagaan ang anak nilang si Malia. Kumbaga salitan sila sa tuwing may ginagawa ang isa. 

The Phillipine News

Dagdag pa ni Pokwang na sanay naman daw siya mag-isa basta ang importante ay nasa kanya ang anak niya. Gaya ng dalagang anak ni Pokwang na anak ng hapon. Huling napanood si Pokwang sa seryeng Mano Po Legacy: Her Big Boss ng GMA Network. 

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *