Address
Metro Manila, Philippines
Social Generation – a group of people who were born and lived or are living around the same time.
Madalas natin naririnig ang salitang millenials. At inaayon ang salitang iyan sa mga kabataan o menor de edad. Ngunit saan nga ba tayo nabibilang na henerasyon? Ayon sa Pew Research Center may naitalang walong henerasyon na simula noong 19th century (January 01, 1801 – December 31, 1900)
Lost Generation
Ito ang mga isinilang mula 1883-1900. Sila ang mga tao na nasaksihan ang world war 1. Marami din sa kanila ang napasama sa gyera ng panahong iyon lalong-lalo na ang mga americans at europeans. Tinawag din silang roaring twenties sa larangan ng music at fashion. Kasagsagan din kasi ito ng pamamayagpag sa kultura ng america at europe.
Greatest Generation
1901-1927. Tinawag din ang henerasyong ito bilang “G.I. Gen” o interbellum generation dahil ipinanganak sila sa pagitan ng digmaan. Ang mga matatanda nito ay ang mga world war 1 veterans na nakikipaglaban noon.
Silent Generation
1946-1964. Tinawag din itong “Lucky Few” ang mga maswerteng natira sa unang digmaan. Ngunit naharap naman sa pangalawang digmaan. Sa america, ang era na ito ay ang mga nakikipaglaban sa Korean war at Vietnam war.
Baby Boomers
1946-1964. Sa henerasyong ito tumaas ang birth rate ng mundo matapos ang ikalawang digmaan. Sa U.S. ang mga matatandang boomers ay napabilang din sa mga nakikipaglaban sa Vietnam war. At ang mga nakababatang boomers ay nakaranas sa malaise years of 1970’s o ang nakaranas ng kahirapan noong dekada ’70.
Generation X
1965-1980. Mas kilalang “Gen X”. Sa U.S. tinaguriang baby bust dahil sa pagbaba ng birth rate nito. Karamihan sa Gen X ay mga magulang ng generation Y. Sila ang mga taong nakapagpundar at nagmamay-ari ng malalaking negosyo na buhay pa sa taong 2022.
Generation Y
1981-1996. Ito na ang tinatawag na Millenials. Sila din ang mga 90’s baby. Sinasabi na ang nasa henerasyon na ito ay maswerte dahil sila ang nakaranas ng modern transition sa mundo. Naranasan nila ang buhay na wala pang gadget, kuryente, computers, cellphones at iba pa. Hanggang sa naging moderno na nga ang mundo. Kaya naman masasabi na ang henerasyong ito ang matibay na makakapagkumpara sa buhay noon at ngayon.
Generation Z
1997-2012. Also known as “Zoomers”. Ito ang mga isinilang during and late new millenium. Sa pagpasok ng 21st century kung saan unti-unting naging moderno ang mundo. Sila rin kasabay lumaki sa mundo ng digital. Dito mapapansin ang kaibahan ng pag-uugali at napaka-involve nila sa social media.
Generation Alpha
Gen Alpha kong tawagin. Ipinanganak sa taong 2013 at sa darating na 2025. Ayon sa Pew Research Center na noong 2015 ay nasa 2.5 million every week ang ipinanganak at inaasahan na sa darating na 2025 ay nasa 2 billion na ang mga Gen Alpha. Ito rin kung saan nag-umpisa ang karurukan ng digital world at naging mas madali na ang buhay dahil halos lahat ay konektado na. Ito rin ang pinaka-modernong henerasyon ng mundo. Sila din ang isinilang sa panahon ng 21st century.
Kung susundin ang nomenclature sticks, ang susunod sa generation alpha ay ang generation beta. Ngayon alam mo na kung saan ka nabibilang na henerasyon. Dapat din natin isaalang-alang at intindihin ang bawat isa kong anong henerasyon tayo ipinanganak dahil lubos na may kaibahan talaga sa ugali at pananaw dahil sa iba’t-ibang karanasan din natin sa buhay.