Address
Metro Manila, Philippines
“It is an app similar to the system used by Grab but is specially designed for tourist who come to Baguio.” – Honest taxi driver Reggie Cabutotan
Nag-viral sa social media ang isang taxi driver sa Baguio City na tubong Rosario, La Union na si Reggie Cabutotan dahil sa mahigit isang milyong salapi at mga dokumento ang isinauli niya sa kanyang dayuhang pasahero. Tandang-tanda pa ni Reggie kong saan niya ibinaba ang dayuhan kaya bumalik siya upang isauli ang luggage na naiwan nito sa kanyang pinapasadahang taxi. Tatawag na sana ng pulis ang dayuhan upang ipaalam ang nangyari ngunit dumating si Reggie dala ang naiwang gamit ng dayuhan. Laking pasalamat naman nito sa driver. Napag-alaman din na isa pala itong Autralian businessman.
Photo by LOStories
Dahil sa pangyayari ay kinilala si Reggie sa pamahalaan ng Baguio City at ginawaran din siya ng full scholarship mula sa dayuhang natulungan. Nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral si Reggie sa Vivixx Academy para sa app development program. Ginarantiya din ng dayuhan na kapag natapos na siya sa pag-aaral ay bibigyan ito ng trabaho sa Australia na may starting salary na 1.7 million. Bukod dito ay binigyan din ng scholarship ang apat na anak ni Reggie.
Photo by LOStories
Nais ni Reggie na maka-develop ng isang app na kahalintulad sa sikat na Grab apps ngayon. Ilalaan niya ito partikular sa mga turista na magpupunta ng Baguio. Binigyang pugay din siya sa tv show na ASAP ng ABS-CBN noong 2017 dahil sa kanyang kabutihang loob.
Photo by LOStories
Kahit sa hirap ng panahon ay may mga tao pa rin na mas iniisip ang kapakanan ng kapwa kaysa pansarili. Tunay na kahanga-hanga ang hatid sa atin mula sa kababayan natin na taga norte. At isang magandang halimbawa sa ating lahat ang ginawa ni Reggie, na ang pilipino ay hindi lang kilala sa buong mundo na masipag kundi tapat at maasahan pa.