Toxic na mga Kaugalian ng Pilipino

Share your this to your friends!

Bato, bato sa langit, tamaa’y matuto!

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na nakilala sa pagiging masayahin, bayanihan at pagkakaroon ng magiliw na pagtanggap sa mga bisita o sinumang tao. Kumpara sa anumang bansa, tayo ay nangingibabaw sa pagiging “flexible” o marunong umangkop sa anumang mga sitwasyon. Bagaman marami mang mabubuting kaugalian si Juan,hindi rin maikakaila na may mga ugali rin na nagiging “red flag” para sa ilan sa atin. Hindi natin nais na tingnan ang kapangitan o karumihan ng ugali ni Juan, ang artikulo lamang na ito ang nagsisilbing pang gising sa ating lahat para sa kamalayan ng lahat ng mambabasa. Handa ka na ba itong alamin? Iisa-isahin natin anu-ano kayang kaugalian ito.

image from :https://study.com/academy/lesson/generation-gap-definition-causes-effects.html
  1. Ang pagkakaiba-iba ng paniniwala sa pagitan ng matatanda at bata (Boomers at New Generation Citizens)

Napakalawak ng aspetong ito. Dahil narin sa nakagisnang panahon, isa itong naging salik upang magkaiba ng pananaw ng dalawang magkaibang henerasyon. Kung babalikan natin ang panahon ng mga boomers (sila yung isinilang noong mga taong 1946 hanggang 1964) na sa mga panahong iyon ay wala pang gaanong teknolohiya at kuntento na sila sa paglalaro sa bukid, simpleng bahay at simpleng pamumuhay at ang mga New Generation (90’s , 2000’s at 2010’s hanggang ngayon) ay nakamulatan ang makabagong teknolohiya at dahil nga dito ay nasanay ang mga kabataan sa mga “instant” o mabilisang mga bagay at sa mga pagkakataong ito ay nagkakaiba sila ng pananaw sa iba’t-ibang aspeto:

image from: https://charlesstone.com/wp-content/uploads/2011/07/comparison.jpg

“Bakit siya ganoon” 

Karamihan sa mga magulang ay naghahangad ng mabuti at maganda sa kanilang mga anak, ngunit paano nga ba kapag humantong na ito sa “pressure” para sa kanilang anak? Masaya pa ba ang parehong anak at magulang? O isa nalang ang masaya at ang isa ay nakakaramdam ng lungkot.

Naririnig natin kadalasan ang mga salitang ito,

“Buti pa si Pedro ganito na may kotse na, bakit ikaw Cum Laude o may award pero ganyan lang ang trabaho mo?”

“Bakit si Juan napromote na, ikaw nakakailang hanap ka na ng trabaho pero ikaw ginawa mo na lahat ganyan ka pa rin”

“Call center lang trabaho ni Maria, bakit ikaw doctor ka na at maliit lang sweldo mo.”

“Seaman naman tatay ni Joha, pero bakit parang hirap na hirap siya.”

“Nung panahon namin, ganito, ganyan”

Ang dami-dami nating naririnig na ganyan ngunit ang tanong ukol dito, “Alam mo ba ang kasiyahan nila?” marahil, maaaring kuntento na sila sa ganoong karanasan at masaya na sila doon. Kaya bilang magulang o nakakatanda, huwag natin i-pressure ang mga anak natin, dahil hindi natin alam ang kwento nila at hindi tayo pare-pareho ang kapalaran. Magkaiba si Pedro at Juan.

image from: https://coconuts.co/manila/news/mommy-dionisia-was-running-be-kia-motors-team-muse/

Edad ng pag-aasawa

“Trenta ka na , pero bakit hindi ka pa nag-aasawa”. Isa yan sa ating mga naririnig sa ating mga nanay,tatay,tito at tita o sino pa man ang nakatatanda sa pamilya. Tandaan natin muli na iba-iba tayo ng kasiyahan sa buhay. Hindi sa ganitong edad, ay kailangan na nating madaliin na makapag-asawa o pagdating ng trenta o anumang edad ay obligado na ang pag-aasawa. Para sa mambabasa nito, tandaan natin na hindi lamang pag-aasawa ang layunin natin sa buhay at ang pag-aasawa ay isang hindi madaling sitwasyon. Hindi natin alam ang kwento ng tao kung siya ba ay handa o hindi pa dahil hindi rin biro ang pag-aasawa at pagpapamilya dahil malaki itong gampanin. Kaya para sa mga nagkaka-edad na, huwag tayo magmadali, may tamang panahon ang pag-aasawa at tadhana na ang makasagot diyan at ang sarili mo.

image from: https://mobile.twitter.com/makatakultural

Pagtingin sa kababaihan

Sa aspetong ito, ito ay bihira na lamang, ngunit may iilan pa rin tayong naririnig na sinasabi ng ilan,

“Hindi pwede maging presidente si Leni, babae siya eh, hindi kakayanin.”

O sa pamilya na ang anak na lalaki ang kadalasang tinitingala dahil sila ang magdadala ng apelyido ng pamilya. May iilan din tayong naririnig na

“Yan, kaya nababastos ka kasi laging maikli ang suot mo.”

At marami pa ang pagmamaliit sa mga kababaihan dahil lang sa kakayahan nila. Tandaan natin na hindi lamang lalaki ang isinilang sa mundong ibabaw, nilikha din ng Diyos ang babae dahil may layunin o purpose din sila sa mundo. Sa madaling salita, pantay lamang tayong isinilang sa mundo kaya dapat na maging pantay lamang ang ating pagtingin at alisin na natin ang stigma na ito. Hindi porket nagkasala si Eba noon sa Genesis (Bibliya) ay ito na ang sumisimbolo sa lahat ng kababaihan. Nagbabago ang panahon at huwag tayong naglalahat. Pareho lamang ang kababaihan at kalalakihan ng pinanggalingan.

pictures got from Canva

Pagtingin sa mga LGBTQ+ at mga PWD

Ito ang isang stigma na hindi lamang sa matatanda at bata na ang mga LGBTQ+ at PWD ay nahuhusgahan.

Sa LGBTQ+, karamihang dahilan dito ng mga matatanda ay Biblia. Sabihin na nga natin na totoo ang mga sinasabi ng Biblia ngunit hindi pa rin nararapat na tayo ay maghusga ng ating kapwa.

Sa PWD, marami pa rin ang stigma na dinaranas gaya ng diskriminasyon.

Tandaan natin na tao pa rin sila at nanggaling din sa Lumikha.

image from: https://www.smh.com.au/lifestyle/life-and-relationships/as-a-parent-sometimes-staying-silent-is-the-best-way-to-show-your-support-20170301-gunz1s.html

Tiklop syndrome

Ano nga ba ito? Ang mga halimbawa na lamang nito ay:

“Aba, sumasagot ka pa”

“Nung panahon namin, kapag nagalit magulang namin, sumusunod na lang kami”

Iniisip ng ibang matanda na palagi sila ang tama. Iniisip nila na magulang sila at walang karapatan ang mga anak na magsalita kahit mali na sila. Mangamba na tayo riyan dahil minsan, may karapatan din na itama ang isa’t-isa dahil walang perpekto. Minsan ang mga anak ay hindi sumasagot kundi nagpapaliwanag lamang. Hayaan natin mapakinggan ang kanilang pananaw at kung may mali ay saka na lamang tayo magbigay ng komento. Kailangan ng pag-uunawaan at pakikinig sa isa’t-isa upang maresolba ang anumang problema. At bilang anak, kung tama naman ang magulang, ay huwag sagutin o bastusin.

image from: https://miro.medium.com/max/1400/1*ZzppQuye4jAiJbfKj1Pa5Q.jpeg

“Wala kang kikitain diyan” Syndrome

Naranasan mo na ba ito?

“Mag-accounting ka anak, malaki sahod diyan tapos in-demand.”

“ Ano naman mapapala mo diyan sa pinasukan mo?” Maaaring iyan ang iyong opinyon ngunit wala namang masama na suportahan natin ang ating mga anak sa kanyang kagustuhan hindi baWala tayong magagawa anuman ang nais nila, maliban na lamang kung Kakapit sila sa patalim, ito ang hindi dapat na balewalain. Minsan, kailangan natin isaisip ang kasiyahan nila basta walang inaapakang tao.

image from: http://www.lawsonstate.edu/admissions_records/student_records_registrar_information/graduation_information/graduation_ceremony_information.aspx

Resulta gaming

Ito ay isang nakalulungkot na aspeto ng ating buhay minsan sa ating pamilya. 

Maaaring nararanasan ito ng karamihan sa atin na sasabihan tayong:

“Wala kang mararating, ang hina mo eh.”

“Walang tatanggap sayo, magara pananalita mo.”

“Gastos na naman, huwag ka nalang kaya mag-aral”

At marami pa tayong naririnig na nakakawala ng motibasyon sa ating

sarili. Bilang magulang, tayo ang nagluwal sa ating mga anak. Natural lamang na itama ang bata ngunit huwag humantong sa ikaw pa ang magbibigay ng pagiging mahina ng iyong anak. Maaaring simpleng salita ang iyong bibitiwan ngunit makaapekto ito sa emosyonal na aspeto ng bata na dadalhin niya sa pagtanda. At nakalulungkot rin na nariyan lamang sila kapag may narating na ang kanilang mga anak. Ang tanong nasaan sila noong nasa proseso palang ang kanilang mga anak? Ito ang dapat nating tandaan, dapat na samahan natin ang mga anak sa pag-akyat at pagtatagumpay.

image from: https://thebestbrainpossible.com/wp-content/uploads/2016/08/rsz_1adobestock_68911612.jpg

Mga panlasa sa musika o saan man.

Anong kanta yan? Pang-adik naman ‘yan”

“Rock songs, mukhang kampon ng demonyo”

Maaaring simple ito, ngunit may maitutulong ito upang mabasag ang stigma ng

Tao na ikauunlad ng Orihinal na Musikang Pilipino. Unti-unti na rin tayo magbukas sa mga pagbabago Hindi natin mapipilit kung ayaw nila ang ganitong

Genre ngunit dapat rin na hindi agad manghusga.

image from: https://www.thespruce.com/planning-a-graduation-party-steps-1197631

Ang nakatapos ng pag- aaral ang batayan ng tagumpay.

Ganito nga ang nararanasan ng karamihan. Madalas pa nakukumpara si Juan kapag hindi nakatapos kay Pedro na nakatapos na at iniisip na hindi sila magtatagumpay. Ikaw na nagbabasa, alisin natin ang ganitong pag-iisip. Marami ang mga sikat na tao ang hindi nakatapos ngunit yumaman at nagtagumpay sa buhay. Hindi natin sinasabing huwag magtapos ngunit unti-unti natin na basagin ang stigma na ito dahil ang pagtatagumpay ay hawak ng Tadhana.

image from: https://www.safetyandhealthmagazine.com/articles/14291-welding-fume-hazards

“The tech-voc or 2 year degree stigma”

Karamihan sa atin ay promotion ang habol ngunit bilang magulang, suportahan natin muli ang ating mga anak. Ang 2 year degree course ay isa ring oportunidad 

Para sa iba. Nakalimutan mo na bang ang iba sa kanila ay nagkakaroon ng oportunidad upang makapag hanapbuhay sa ibang bansa? Tandaan natin na huwag maliitin ang mga gayong tao dahil marangal pa rin ang kanilang trabaho

At marami pang stigma dito gaya ng madaling makapaghusga kaya dapat na maging bukas tayo sa bagong kaalaman sa anumang mga edad. 

image from: https://www.loveradio.com.ph/wp-content/uploads/2014/12/escape-inggit.jpg

2. Crab mentality

Nakalulungkot ito sa karamihan at isa na ang Pilipinas sa mayroong kaugaliang ganito. Kapag may naitaas sa posisyon ay sisiraan dahil sa inggit. Hindi natin alam ang pinaghirapan ng tao at dapat na iwaksi ang ganitong pag-iisip at maging masaya na lamang tayo sa tagumpay ng tao at maghintay ng para sa iyo dahil may tamang panahon ang tagumpay mo.

image from: https://www.rappler.com/tachyon/2020/09/smart-shaming-kia-sison-20151015_207D2F01E49D4292A27C0E76E57DE479.jpg

3. Smart Shaming

   “Ay sanay ito mag-ingles, matalino ito”

    “Ay probinsyano, hindi marunong mag-ingles, ambobo yata”

Nakalulungkot rin na marinig ang mga ganitong stigma. Tandaan na ang katalinuhan ay hindi makikita sa dami ng alam mong wika o sa dami ng iyong alam. Ang katalinuhan ay kung paano ka makisama at ilagay ang iyong sapatos sa sapatos ng iba (empathy).

image from: https://z-upload.facebook.com/GiaAllana/posts/4429631027143454

4. Colonial Mentality

    “Kamukha ni Oppa, ang jeje naman”

    “Ano filipino adaptation ng ‘Start Up’?(kdrama)  Baka start flop”

    “Si Jennylyn Mercado, gaganap na Steffi sa Filipino adaptation? Ngek!”

    “Kapag korean nagsuot maganda, kapag pinas, jejemon, mukhang adik”

Yan lamang ang ilan sa mga naririnig natin. Hindi natin maikakaila na sa mahigit daang taon ay nasakop tayo ng iba’t-bang lahi (Kastila, Amerikano, at Hapon) ngunit hindi sana ito ang magdikta sa anumang pamantayan natin ng mga bagay bagay sa ating bansa na hahantong sa paghuhusga ng ating bansa. Kailangan na suportahan pa rin natin ang sariling atin at ito ang sangkap sa pag-unlad ng mga bansa. Wala namang masama na sumuporta sa mga dayuhang produkto ngunit huwag gamitin ito upang magkaroon ng toxic na pamantayan.

image from: https://www.facebook.com/Bahala-na-Si-Batman-1337579172946688/photos/

5. Bahala na syndrome

    Ang mga kataga na “bahala na si batman” na madalas nating naririnig. Maaaring simple ito ngunit isa ito sa sangkap ng pag-unlad, ang kalidad. Minsan sa ating mga Pilipino, mababa ang tingin natin sa ating produkto halimbawa na lamang sa mga pelikula na pupunahin ang pagkukulang at sasagutin naman natin ng “Ay gawang pinoy ‘yan eh” na inaakala nating mabuti at simple ang mga salita ngunit pang-iinsulto ito sa ating bansa. Huwag sana ito ang maging pananaw natin sa bansa.

image from: https://www.health.harvard.edu/mind-and-mood/six-common-depression-types

6. Depression Stigma

     Tayo ay Kristiyanong bansa at dahil nga rito ay may gabay tayo sa bawat galaw natin dito sa mundo ngunit tama nga ba na pag-iisip na ang nakararanas Depression ay mahina at kulang sa pananampalataya. Ang iba ay sinasabing:

“Faith lang kay Lord and kailangan”

“Kabaliwan lang ‘yan”

“Iniisip mo lang ‘yan”

Na nakalulungkot sa tuwing maririnig natin iyan. Tayo ring mga Kristiyano o anuman relihiyon, hindi bawal ang nanghihina dahil normal lamang sa tao ang makaranas nito. Ang taong makararanas ng Depression ay hindi dapat na binabalewala, bagkus, kailangan nila boses at taong makapagkakatiwalaan nila. Kahit na ikaw ay sumasamba, hindi dapat na gamitin ang salitang kulang sa pananampalataya dahil kailangan rin natin na unawain rin sila at magkaroon ng invalidation sa kanila. Hindi rin dapat na basta na lamang magbitiw ng payo lalo ay hindi naman makatutulong. Kailangan lamang nila ay maramdaman na may nagmamahal sa kanila at makikinig sa kanila (empathy)

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga toxic na kaugalian ngunit gawin nating halimbawa ang papel na may dumi, ano ang ating nakikita? Marahil ang una mong makikita ay ang dumi ngunit huwag mong kalimutan na maputi pa rin ang papel at matatawag parin iyon na papel. Gayundin sa kultura at buhay, walang perpektong bagay at sa mga kaugaliang nabanggit ay huwag sana maging dahilan ito upang iwanan ang lupang sinilangan at iwanan ang lahing nakagisnan. Tingnan pa rin natin ang mabubuting bagay sa ating pagka-Pilipino. Hindi natin dapat lahatin na toxic ang mga pinoy. Piliin na lamang natin gumawa ng tama at mabuti at matuto sa anumang pagkakamali.

References:

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *