Address
Metro Manila, Philippines
Sawa ka na ba sa Boracay? Puerto Princesa? Hundred Islands? Tara na at dayuhin ang Bantayan Island!
Sa dulong hilagang bahagi ng Cebu ay matatagpuan ang malaparaisong isla ng Bantayan.
Ang pangalang “bantayan” ay hango sa salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay “A place to watch” o “lugar na babantayan”. Ang mga lugar na kailangan ng lookout ay tinawagan ng cebuano na; “Bantayan sa hari” meaning in English, “Watchtowers of the King”. Labing-walong watchtowers/bantayan ang itinayo rito sa kapanahunan ng ika-22 Governor-General Sebastian Hurtado de Corcuera noong ang mga pirate ng Moro ay sumalakay sa isla upang humanap ng aalipinin. Kaya sa mga matagal nang nakatira sa islang iyon upang magampanan ang tungkulin ay pinaikli nila ang kataga at nauwi sa “Bantayan Island”.
Kung ikaw ay naghahanap ng araw, dagat at buhangin ngunit di ganoon karami ang tao, gugustuhin mong bisitahin ang lugar na ito. Marami kang maaaring gawin dito kabilang na ang sightseeing, swimming, cliff diving, island-hopping, kayaking, inland tours, skydiving at gastronomic seafood adventures.
Bukod sa mga activities na magagawa sa dagat ay mayroong ding ipinagmamalaking produkto ang Bantayan Island. Kilala sila sa isdang Danggit. Naisusupply nila ang kanilang Danggit sa iba’t ibang dako ng Pilipinas maging Mindanao o Manila.
The Province of Cebu, including Bantayan Island, is open to domestic tourists in the Philippines or non-residents of Cebu provided they comply with the travel requirements:
Based on the Province of Cebu’s Executive Order No. 12, persons traveling to the province for tourism must present the following:
Marami ring pwedeng pagtuluyan sa Isla tulad ng:
1. Amihan Beach Cabanas
2. Marlin’s Beach Resort
3. Kota Beach Resort
4. Sunshine Bantayan Garden Resort
5. CouCou Bar Hotel and Restaurant
6. Ogtong Cave Resort
7. La Playa Estrella Beach Resort
8. Stevrena Cottages
9. Casa Isabel Hostel
10. Jumema Apartment
Bukod sa Bantayan Island ay mayroon pang ibang atraksyon na pwedeng-pwede mong puntahan tulad ng:
Virgin Island
Hilantagaan Island
Ogtong Cave
Sto. Nino Cave
Obo-ob Mangrove Eco Park
Sts. Peter and Paul Church
Kota Park
Hindi lamang ganda ng lugar ang maipagmamalaki ng Isla kundi ang masasarap at nakabubusog nilang mga pagkain. Maaari mong matikman rito ang scallops, iconic puso (cooked rice wrapped in weaved palm leaves), at SuTuKil (Sugba, Tuwa, Kilaw) ibig sabihin ay inihaw, sinabawan at kinilaw na isda o karne.
May mga makakainan rin naman sa Bantayan kung hanap mo ang seguridad sa iyong kinakain tulad ng:
Bantayan Burrito Company
Stumble Inn
Sarapoi
Cafe Mare