Update sa kalagayan ni Kris Aquino

Share your this to your friends!

“Thank you for all your prayers and kind well wishes but let’s continue praying not just for me but for all my loved ones: my family, my sisters, brothers-in-law, mga pamangkin and please, my two sons kuya Josh and Bimb.” – Kris Aquino. 

Ang pasasalamat ni Kris Aquino at dasal para sa kanyang pamilya ang nilalaman ng kanyang instagram post nitong Mayo 25, 2022. Dagdag pa niya ang pagdadasal niya para sa kanyang mga malalapit na pinsan at sa mga totoong kaibigan. 

filipinohottopics.com

Ibinahagi din ng tv host/actress na wala siyang kanser, bagkus nasa mabuting kalagayan ang kanyang liver, kidney at normal naman daw ang kanyang blood sugar. Ang mga kaibigan niya o sinuman ang dadalaw ay kailangan muna ng PCR test naaayun ito upang maiwasan ang kasalukuyang covid-19 na makapasok sa pamamahay ng actress. 

pinoyparazzi.com

Patuloy pa rin ang kanyang gamutan sa tulong ng dalawang doctor na eksperto sa allergy. Naging malala na nga ang kundisyon ni Kris dahil sa sakit na chronic urticaria, kaya naman mahigpit ang seguridad sa tuwing may ibang tao na dadalaw sa kanya. Nasa bansa pa rin si Kris dahil tinitingnan pa kong makakayanan niya ang paglabas ng bansa upang magpagamot. 

Sa kabila ng lahat ay naging positibo pa rin ang Queen of all Media na sya ay makakaligtas sa sakit. At muling manumbalik ang sigla. Matatandaan na katakot-takot ang halaga ng kanyang mga gamot. Subalit patuloy at may tiwala ang actress sa mga gamot na ito. 

philstar.com

Kamakailan ay nag react siya sa mga taong gusto na siyang mamatay. Sinabi niya na buhay pa siya at hwag kayong magmadali. May mga tao rin na nag-advice na magbago na siya, dahil ito sa mga nakaraang post niya lalo na pagdating sa eleksyon. 

Author

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *