Address
Metro Manila, Philippines
Usap-usapan ngayon ang paglipat ng schedule sa Dubai concert ni Vice Ganda na ang namamahala pa nito ay si Direk Bobot Mortiz. Dahil nga dyan ay may mga espekulasyon na lilipat na sa GMA si Vice dahil konektado na nga itong si Direk Bobot sa GMA. Subalit pinabulaaan ang isyu dahil mananatiling Kapamilya ang It’s Showtime host.
At ito naman ang siste ngayon sa sinasabing dahilan ni Vice kong bakit inilipat ang schedule ng concert niya. Rason ni Vice, nakikisimpatya siya at nagbibigay galang sa pagpanaw ng hari ng United Arab Emirates na si Sheikh Khalifa bin Zayed bin Sultan Al Nahyan noong Mayo 13 sa edad na 73 at inilibing kinabukasan, Mayo 14.
Subalit nagtaasan ang kilay ng mga ofw doon dahil tila ginamit pa ni Vice ang pagkamatay ng hari sa totoong dahilan. Ang sinasabing nangyari daw ay nilangaw ang concert ticket ni Vice na ngayong July sana at inilipat sa Agosto. Sa totoo, tanging kay Vice lang ang inuurong na concert pero ang iba ay hindi naman. At ayon sa kultura ng mga muslim ay inililibing na nila ang namayapa sa loob lang ng 24 oras.
May mga netizen na nagsabi na binalikan daw ngayon si Vice sa mga pang-aalipusta niya sa mga BBM supporters noong nakaraang kampanya. Bilang isang kakampink ay maaanghang na salita ang binitawan ni Vice laban sa mga supporters ng bagong pangulong si Bongbong Marcos. Halos buong Dubai daw kasi ay solid BBM-Sara. Kaya naman ngayon ay hindi bumenta ang ticket ng unkabogable star.
Huwag daw gawing tanga ni Vice ang mga ofw sa pag-aanunsyo nito. Lumuhod na daw ang kabayo ayon pa sa ibang komento. Isang malaking sampal kay Vice ito, dahil nasanay siya na dinudumog ang concert niya sa loob man o labas ng bansa. May mga nagsabi na unti-unting humihina ang kinang ni Vice dahil diumano sa pag-uugali nito. May mga isyu pa na ang mga dating kasamahan ni Vice ay hindi na raw niya ito pinapansin. Mayabang, mapagmataas na daw si Vice.
Samantala, sa pagiging mayaman na ni Vice ngayon ay may mga tao naman siyang natutulungan. Ngunit sa kabilang banda ay ang mga masasakit sa salita ni Vice sa kanyang kapwa, lalo pa ang pagiging patola niya sa mga bashers sa social media na inikumpara ang sarili sa mga bashers at nagmamayabang. May mga komento din ang netizens sa pagsasama nila ni Ion Perez. Kung si Vice ba daw ay isang ordinaryong tao at hindi mayaman, papatulan ba siya ni Ion? Abangan na lang natin ang mga ganap sa buhay ni Vice Ganda.
Photos: http://ent.abs-cbn.com
[…] is undeniable that when someone hears the name “Vice Ganda,” a face automatically comes in pair with the iconic name. Everybody knows who this famous […]