Viy Cortez, #1 TRENDING ngayon sa Youtube!

Share your this to your friends!
Viy Cortez

Mayo 26, 2022 nang naglabas ng bagong video sa Viy Cortez sa kanyang Youtube channel at lumagpas na sa 3 million views. Kasalukuyan itong nangunguna sa Trending list ng Youtube.

source: Viy Cortez | Facebook

Si Viy ay isang Youtuber na may 5.72 million subscribers. “Viviys” ang tawag nya sa kanyang mga tagasubaybay. Pinanganak noong July 23, sa taong 1996 at ngayon ay nasa 25 taong gulang na. Kapartner nya ang isa ring youtube sensation na si Lincoln “Cong” Cortez Velasquez. Kasalukuyan syang nagdadalang-tao kay “Kidlat” na isang baby boy at posibleng manganak anytime soon.

source: Viy Cortez | Youtube

Kilala si Viy bilang masayahing tao at sa malakas nitong pagtawa na makikita sa mga vlogs nito. Kilala rin siya bilang isang mabuting anak at supportive sa kanyang mga kapatid. Hindi nya pinabayaan ang kanyang pamilya lalo na nang ma-monetize ang kanyang Youtube Channel. Kalaunan ay nakapagpatayo siya ng sariling bahay para sa kanyang mga magulang sa Laguna. Proud at naiiyak nyang nasabi ang mga katagang:

“Ma, may bahay na tayo!Pa,may bahay na tayo!”

-Viy Cortez, 2021

“…naiiyak ako ih. Kasi may bahay na tayo.”

-Viy Cortez, 2021

Isa si Viy Cortez sa mga Youtube influencers na iniidolo at inspirasyon ng maraming Netizens. Hinangaan sya ng milyung-milyong tao dahil sa taglay nyang sipag at pagtitiwala sa sarili lalo na sa Poong Maykapal. Sinusubaybayan sya hindi lamang dahil kay Cong TV kundi dahil marami na syang natulungan sa negosyo at patuloy paring nagbibigay pag-asa sa mga taong nais magtayo ng sariling negosyon. Mayroon na syang mga resellers ng kanyang cosmetics at skin care sa iba’t-ibang dako ng bansa.

Source: Viy Cortez | Twitter

VIYLINE ang pangalan ng kumpanyang naipatayo ni Viy. Cosmetics ang main product ng kanyang negosyo. Kalaunan ay nakapagdagdag sya ng VIYLine Skincare, VIYLine Clothing, at Viyzaar. May mga franchise na ring syang nabili tulad ng Don.C at TeaTalk. Bagaman nagkaroon sya ng mga haters at mga pagsubok sa buhay, hindi naging hadlang ito sa mga tinahak at patuloy na tinatahak nyang success sa buhay. Naibebenta nya ang kanyang mga produkto sa Facebook (VIYLine Cosmetics, VIYLine Skincare), Shopee (VIYLine Cosemetics), at Lazada (VIY Line, VIYLine Skincare Official Store).

source: Viy Cortez | Facebook

Ang latest vlog ni Viy Cortez sa Youtube 2 days ago (Mayo 26, 2022) na may pamagat na “PUMUTOK NA ANG PANUBIGAN PRANK”, ay nagplano syang magkunwaring pumutok na ang panubigan at manganganak na. Nagtanim sya ng mga camera sa iba’t-ibang bahagi ng kwarto nila Cong upang mavideohan ang mangyayaring prank. Nagbuhos sya ng kaunting tubig sa sahig upang magmukhang makatotohanan ang prank. Si Cong, na kanyang partner ang kanyang ipa-prank. Si Mamita at Pat P. naman ang mga kasabwat kasama si Carlo na Editor ni Viy. Hindi lingid sa kaalaman ng ibang kasamahan sa bahay na sila Yoh (Youtuber) at kuya Mike (driver) na prank lang ni Viy ang lahat kaya’t maging sila ay nataranta rin. Dahil “masakit” ang tyan nya ay pinaupo nila si Viy sa Gaming chair upang ibaba sya ng bahay at maitakbo sa ospital. Bago pa man sila makalabas ng kwarto ay hindi na napigilan ni Viy ang pag-ngiti lalo na’t natapat sya sa isang camera kasunod ng malakas na tawa. Doon na nalaman ng lahat na isa lang itong prank.

source: Viy Cortez | Facebook

Malaking pasasalamat parin ng lahat lalo na ni Cong TV na ligtas at maayos ang kaniyang mag-ina. Happy mothers’ month, Viy!~

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *