YAHOO! MESSENGER, ang kinahihiligan ng mga netizen noon.

Share your this to your friends!

Bago pa man sumikat ang facebook messenger sa mga smartphone ay may kinahuhumalingan ang mga tao dati sa online world. Ito ay ang Yahoo! Messenger (YM). Ito ay downloadable gamit ang computer. Mabilis ang pagsikat ng software na ito mula sa microsoft. Nagustuhan ito ng marami dahil madaling gamitin at user-friendly pa. Bukod pa doon ay maraming feature din ito tulad ng yahoo mail, yahoo music, webcam, chat room at VoIP (Voice Over Internet Protocol). 

Softonic

Upang makagawa ka ng account ay tanging Yahoo ID (Yahoo Mail account) at password lang ang kailangan. Walang limit din sa paggawa ng account dito. Pwede ka dito makipag-chat kahit ilan ang gusto mo ng sabay-sabay. Bawat user ay isang window. Pwede ka rin makinig ng music habang nakikipagchat sa kahit saan man sa mundo. At napakaraming chat room categories din ang pwede mong pasukan na naayon sa hilig mo. 

VentureBeat

Patok na patok din dito ang webcam while chatting o di kaya ay nakikipag video call. Maraming pinoy na rin dito na nakahanap ng ka-partner na foreigner. 

 Bilang karagdagan sa mga feature ng instant messaging na katulad ng mga inaalok ng ICQ, nag-aalok din ito (sa Microsoft Windows) na mga feature gaya ng: IMVironments (pag-customize ng hitsura ng Instant Message windows, ang ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga awtorisadong tema ng iba’t ibang cartoon gaya ng Garfield o Dilbert)  , pagsasama ng address-book at Mga Custom na Messaging status.  Ito rin ang unang pangunahing kliyente ng IM (instant message) na nagtatampok ng BUZZing at music-status. Meron din itong multiple language support.

The News Minute

 Inilunsad ito noong March 9, 1998 bilang Yahoo! Pager at pinalitan ng Yahoo! Messenger noong 1999. Subalit tinanggal ang chat room services nito noong 2012. Sa pagpasok nito sa mga smartphones ay inilunsad ang bagong version nito noong 2015 na tinawag na Yahoo! Together ngunit July 17, 2018 ay tuluyang nag shutdown na rin ito. 

Author

Share your this to your friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *